.RU
Карта сайта

"Break the Cassanova’s Heart" Operation - старонка 19


Pero saan?

Lightbulb.

An idea struck me.

“alam ko na kung saan!!”

“ha? Saan? Sa pulang building?”

“sira hindi!!” hinila ko siya “tara na!!!!”

Chapter 24.2

*The Date*

[Naomi’s POV]

“tara na dali!! ” hinila ko si Stephen papasok sa Star City.

“talagang dito tayo mag de-date?” tanong niya saakin na parang dismayado “ano tayo mga bata?!”

“wag ka na kasi mag reklamo! Enjoy kaya diyan noh! Madalas kami magpunta nila kuya dito.” Tinignan ko siya ng may halong pagtataka “teka hindi ka pa ba nakakapunta dito? Or kahit saang amusement park? ”

“hindi pa”

“weh? Kahit nung bata ka pa?”

“hindi pa nga! Ang kulet naman!” =___=

Tinignan ko siya ng may halong awa saaking mga mata. Nakakahabang naman ang isang to. Hindi manlang niya naranasan ang sayang naidulot ng star city at iba pang amusement park sa buhay ng mga tao. Kawawang nilalang talaga ang isang to. Nadudurog ang puso ko para sa kanya. T___T

“o-oy! Bat ka ganyan makatingin sakin ha?!

Napailing ang ako “wala. Tara na sa loob” sabi ko sa kanya ng may nakakaawang tinig habang awang awa din na nakatingin sa kanya.

“oy! Tigilan mo nga yang mga tingin na yan! Kinikilabutan na ko eh!!”

Natawa ako bigla sa itsura niya. Asar na asar siya eh. Wahahahahahaha.

Bumili kami ng ticket ni Stephen. Syempre libre niya eh, siya kaya nagyaya ng date. At ang pinabili ko naman sa kanya yung ride-all-you can na ticket plus winter fun land at laser blaster. Php500 din ang isa nun. Kaya nanlulumo siyang naglabas ng isang libo sa wallet niya habang bumubulong na“I can’t believe this! I’ll waste 1000 pesos para sa isang pambatang lugar!”

Tinawanan ko lang. Pambata pala ha? Mamaya lalamunin niya ang mga sinasabi niya! Bwahahaha.

Nung nakapasok naman kami sa loob, hinila ko agad siya doon sa mga rides.

“tara Stephen doon tayo!!” tinuro ko yung star flyer sa kanya

“gusto ko dun” napatingin ako sa kanya and nakita kong hindi siya nakatingin doon sa star flyer instead nakatingin siya doon sa mga taong nakaupo habang naka babad ang paa sa isang mini pool. Tinignan ko yung tarpaulin

“Dr. Fish?” sabi ko habang nakaturo doon.

“oo masarap ata doon nakaka relax!”

“eeeehhh! Kakagatin lang naman ng mga isda yung paa mo diyan eh! Boring! Sakay na tayo sa rides!!” hinila ko naman siya kaso ayaw niya talaga umalis doon

“eh gusto ko diyan eh! Diyan muna tayo!! mamaya na yung rides na yan!” tuloy tuloy siya naglakad papunta kay Dr. Fish. Hay ano pa nga ba magagawa ko?! Libre niya to eh.

Hinubad na namin yung mga sapatos namin then inilubog yung paa namin doon sa mini pool. Agad naman nagsilapitan yung mga isda at kinagat kagat na ang paa namin. Medyo nakakakiliti sa una pero pag sanay ka na marerelax ka talaga. Palagi namin dinadala dito si daddy pag pagod sa work kaya naman sanay narin ako dito.

“AY! ”

Nagulat naman ako sa sigaw ni Stephen. Nakita kong tinaas niya bigla yung paa niya kaya nagulat yung mga isda at lumangoy palayo saamin.

“ano ka ba Stephen!” hinampas ko ang braso niya “tinatakot mo yung mga isda eh”

“eh nakikiliti ako eh” >__<

“pigilan mo lang yung kiliti mo. Pag nakasanayan mo na mareelax ka.”

Inilubong niya ulit yung pa niya sa tubig and maya maya lang nagdatingan na ulit yung mga isda.

“hehe ay! Hehehehehhe..ayay hehehehe”

Napatingin ako kay Stephen “hoy! Para kang bakla!”

“eh nakakakiliti eh! Hehehehehehe ay! hehe”

Walanjo mo tong isang to oh! Mas babae pa ata to saakin eh!

After namin kay Dr. Fish pinagbigyan naman niya ako ng isang ride sa Star flyer. At dahil nag enjoy siya, tatlong beses kaming sumakay doon ng paulit-ulit. After ng star flyer, pumasok ulit kami sa loob para pumunta sa winter fun land.

“mukhang malamig sa loob Nami babes” bigla naman niya akong niyakap “kailangan mo ng body heat!”

“anong body heat?!” tinulak ko siya palayo.

Tokwa I sucked at acting, dapat sweet ako kaso mapanganib ang kamanyakan ng isang to. Baka paglabas namin ng winter fun land buntis na ko >__<

“ikaw naman Nami babes! Binibiro ko lang eh!” bigla niya akong inakbayan “tara na nga sa loob! ”

Nung pumasok na kami, aba manghang-mangha ang loko. Tuwang tuwa sa artificial snow. Kung titignan mo siya mukha siyang tao sa mula. Wahahahaha. Nagbatuhan naman kami ng artificial snow doon hanggang sa parehong mamanhid ang kamay namin. After magbatuhan, nag slide naman kami. Mga ilang beses na ata kai nakabalik doon nung tinamaan na talaga ako ng ginaw and medyo hirap ng lumabas. Pero etong si Stephen enjoy na enjoy parin at ayaw lumabas. Kulang na lang doon na siya tumira eh.

See? Sabi sa inyo bibigay din ang lokong yan eh! Kanina aayaw ayaw pa. kesyo pambata daw. Pero tignan mo ngayon, mukhang batang naglalaro. Wahahaha.

After ng Winter fun land, pumunta naman kami sa Hunted Castle. Ako naman, ang yabang yabang ko at nauuna ko.

Dahil nga weekdays at wala masyadong tao sa Star City kami lang ni Stephen ang papasok sa loob.

"tara na Nami babes! excited na ko! madilim sa loob!!"

Binatukan ko siya "excuse me hindi ako matatakutin no!! hindi ako kakapit sayo!!"

"sus yabang!"

Pumasok na kami ni Stephen sa loob.

After a few minutes, nakalabas narin kami. Agad naman siyang umupo sa isang bench doon at pinunasan yung pawis sa noo niya. Tinignan ko yung itsura niya, nakalawlaw yung isang mangas niya, lukot ang damit at natanggal pa yung isang butones sa polo niya.

"grabe feeling ko na devirginize ako!" sabi niya habang nagpapaypay gamit yung panyo niya.

Nag pout ako sa harap niya. Ang sama talaga ng isang to!! malay ko bang nakakatakot talaga sa loob! napakapit ata ako sa kanya ng mahigpit sa sobrang takot ko. =____=

Sinakyan namin lahat ng rides ni Stephen. Yung iba paulit-ulit pa namin sinakyan. Nung tinamaan na kami ng gutom dalawa, naisipan na naming umalis sa Star City at magpunta sa seaside sa may MOA para kumain ng dinner.

Umorder lang kami sa isang restaurant doon pero hindi namin sa loob ng restaurant kinain. Pina take out ko yung food at nagpunta sa may seaside at doon naupo habang nakatingin sa may dagat.

“first time kong kakain dito ha” sabi niya habang sumasampa sa may seaside para makaupo“usually sa loob kami kumakain eh.”

“puro ka kasi gimik at inuman. Hindi mo tuloy maranasan yung ibang lugar ng walang inuman at mga linta. "

Natawa naman siya “oo na sige na! binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Nag enjoy ako sa star city.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Hay buti naman at nag enjoy ang isang to.

Nag start na kaming kumain habang nakatanaw sa dagat.

“Nami, bat mo ko minahal?”

Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa tanong niya.

“h-ha? Bat mo naman naitanong?”

“wala lang. Nagtataka kasi ako eh. Alam mo namang playboy ako but still mahal mo parin ako. Bakit nga ba?”

Err, paano ko sasagutin ang tanong na yan? Naman tong si Stephen eh!

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita “di ba kung mahal mo talaga ang isang tao wala namang dahilan kung bakit mo siya nagustuhan? Kahit pa playboy siya at hindi nakakatagal ng apat na araw ang mga girlfriends niya ayos lang sayo, basta mahal mo siya” sheeeeet, gumagaling na ko sa pag arte, infairness >__< Napangiti naman agad si Stephen “ganun? Oy pero hindi naman 4 days lang ang pinaka matagal kong naging girlfriend no!”

“oo nga pala, 2 weeks, si best”

“h-hindi, meron pang mas matagal”

Napatingin ako agad sa kanya at gulat na gulat “meron pang mas matagal?! Teka gaanong katagal?!” O.o

“hulaan mo!” sabi niya saakin ng nakakaloko

Tokwang to pahihirapan pa ko sa panghuhula “3 weeks? 1 month? 1 month and a half? 2 months?”

“hindi ”

“ano ba talaga?! ”

“one and a half year”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya “one and a half year?! Teka paan nangyari to!!

Imposible!!” O___________O

“grabe ka naman magsalita! Pero totoo no!!”

“ibig sabihin nag mahal ka na dati?!?!”

“hindi!!! Hindi nga sabi ako marunong magmahal di ba?! Kaya lang kami tumagal ng one and a half year kasi nga pinagkasundo kami ng mga magulang namin. Natakot kasi si dad na baka di na ko makapag asawa dahil sobrang babaero ko kaya hinanapan niya na ko ng asawa.”

“teka, sino naman yung malas na babaeng yun?!”

“o yang sakit mo magsalita samantalang patay na patay ka saakin!” sabi niya saakin. aba ang kapal niya ha! “tsaka kilala ma yung babaeng yun, s-si Alyana.”

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, “i-ibig sabihin engaged na kayo ni Alyana?! t-teka naguguluhan ako, paano nangyari to!”

“ hindi nga kami na-engaged dalawa kasi nga one and a half year lang ang tinagal namin. Actually nung mga panahong yun, sa tatlong babae ako pinapapili ni dad. Isa-isa akong nakipag blind date sa kanila, panghuli si Alyana. Natatwa pa nga ako kasi pagkaupong pagkaupo ko, binantaan na niya ko agad. Sabi niya ‘ngayon pa

lang sinasabi ko na sayo na wala akong balak na maging asawa mo. Mamaya may AIDS ka eh. Tsaka isa pa

may boyfriend ako. Pero ako ang piliin mo kasi kailangan kong pagbigyan ang mommy ko. Palabasin lang

natin na hindi maganda ang pagsasama natin para sila na mismo ang magpahiwalay satin.’ Eh syempre ang brilliant brilliant ng idea niya kaya pumayag na ko. Pinapalabas namin na lagi kaming nagaaway though pagtalikod nila nagtatawanan kaming dalawa. May times pa nga na umarte kami na nagbabatuhan ng gamit eh. ” Stephen Laughs “di ba parang ewan lang kami? Pero after one and a half year naghiwalay narin kami though we’re still friends. Siguro si Alyana na ang unang babaeng iginalang ko. ”

Nanahimik ako. Ewan ko kung bakit pero nung sinabi niyang si Yannie ang unang babaeng ginalang niya parang biglang nag toktokitoktok ang puso ko.

Waaaaaaaaaaah ano ba to?! Imposibleng nagseselos ako!! Hindi ako nagseselos!! Hindi!! Meron na kong Drew my labs!!! Hindi talagaaaaaaaaaaaa!!!

“minahal mo ba si Yannie?” tanong ko kay Stephen bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Siomai na bibig oh!! Dire-diretso naman kung magsalita >__< Natawa naman si Stephen sa tanong ko “minahal ko si Alyana bilang kapatid hindi yung katulad nung romantic feelings na nararamdaman mo saakin. ” tinignan ko siya ng masama. Hmpf! Kayabangan “at kung tatanungin mo ako kung minahal ako ni Alyana, hindi rin, kasi may boyfriend siya nung mga panahon na yun. Kaso !@#$

nung lalaki iniwan siya eh. Sumugod saakin si Alyana nun at nagiiyak. Ako naman hindi ko alam ang encouraging word na sasabihin ko. Sabi ko na lang sa kanya ‘wag ka na kasi mag mahal. Manloko ka na lang

tulad ko. Tignan mo, enjoy na hindi ka pa masasaktan’”

Bigla ko naman binatukan si Stephen “hoy lalaki!!! Grabeng advice yan ha!! Napaka good influence!!! ”

Hinimas niya yung likod ng ulo niya “ay grabe ka babes! Galit na galit ka ah! Kala ko matatanggal ang ulo ko!!”

Tinignan ko ulit siya ng masama “eh loko loko ka eh!! Paano na lang kung naimpluwensyahan mo si Yannie ha?!”

“wag ka magalala nakatanggap din ako ng batok sa kanya nun! Sabi pa nga niya pag ako daw nagmahal mararamdaman ko din kung gaano kasakit, at the same time kung gaano kasarap sa pakiramdam ang nagmamahal. Syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal” tumingin si Stephen saakin at nagulat naman ako dahil bigla na lang siyang pumunta sa harapan ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko “kaso ngayon pakiramdam ko kinain ko na lahat ng sinabi ko” sabi niya saakin ng seryosong seryoso

“S-stephen?”

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako gumalawa sa pagaakalang nagbibiro na naman siya.

Tinignan ko lang siya sa mata at kitang kita ko na seryosong seryoso siya. Nagulat ako ng biglang pumikit si Stephen kaya napapikit din ako. Unti-unti, dahan-dahan, nag dampi ang labi namin dalawa.

Bigla kaming naghiwalay dalawa at napatitig na lang sa mukha ng isa’t isa. Pareho naming hindi alam kung paano magrereact, pareho kaming natulala sa nangyari habang nakatingin parin sa mata ng isa’t isa.

And again, ininvade na naman ng mga pesteng karpintero ang puso ko.

Chapter 25

“conscience”

[Naomi’s POV]

Tokwa 2:30 am na pero hindi parin ako makatulog. Kailangan ko pang gumising ng maaga. >______< Kinuha ko si pen-pen at itinakip ito sa mukha ko.

“thanks for the night Naomi, nag enjoy talaga ko. Hindi ko to makakalimutan”

Step 3 and 4 is already done.

But still…

“syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal. Kaso ngayon pakiramdam ko

kinain ko na lahat ng sinabi ko..”

Waaaaaaaaaaaaaah ano ba to?! Di ba dapat matuwa ako sa sinabi ni Stephen? Dapat mag bunyi ako dahil atlast—

atlast, nahuhulog na siya sa alindog ko.. pero bat ganito ang nararamdaman ko?

..ayoko ng ituloy..

Gusto kong lumayo na kay Stephen. Pakiramdam ko kasi kada lalapit ako sa kanya mas masasaktan ko siya eh.

Gusto ko na mag back out.

Pero ganun parin, pag nag back out ako masasaktan ko parin siya dahil malalaman niya ang lahat. At hindi ko naman talaga siya mahal, si Drew ang mahal ko.

Kaso..

Hay naguguluhan talaga ako sa dapat kong gawin. Isa pa itong si Yannie, kahit anong isip ko hindi ko malaman kung bakit ganun na lang ang galit niya kay Stephen.

Baka naman dahil iniwan siya ng boyfriend niya? Pero imposibleng ayun ang dahilan kasi si Stephen pa nga ang nag comfort sa kanya nun eh. At sabi ni Stephen parang magkapatid na talaga sila.

Hindi kaya mahal ni Yannie si Stephen?

Waaaaaah ano ba to. Naguguluhan ako!! Alam ko may iba pang dahilan si Yannie, hindi lang yun. Kailangan kong malaman yun, baka sakaling mapagbago ko ang isip ni Yannie.

Ayoko na kasing ituloy to. Natatakot ako..

The next day, kahit bangag na naman ako dahil sa sobrang pagiisip at pambubulabog ng mga karpintero, agad kong hinanap si Yannie sa university.

Nung nakita ko siya na pababa dun sa building nila, agad ko siyang nilapitan.

“Yannie!!”

Lumingon naman si Yannie saakin “oh Naomi!” nilapitan niya ako “kamusta? May kailangan ka ba?”

“uhmm pwede ba tayo magusap?”

“oh sure”

Nagpaalam si Yannie doon sa mga kasama niya then nagpunta naman kami agad sa headquarters.

“ano yung sasabihin mo Naomi?”

“uhmm nag date kami kahapon ni Stephen”

Napatingin naman bigla si Yannie saakin “talaga? Siya nagyaya? Nag enjoy ba siya?”

I nod

“oh my gosh!!! Ang galing mo talaga Naomi!!! ” sabi ni Yannie habang kilig na kilig.

“uhmm, Yannie ayoko ng ituloy ”

Natigilan bigla si Yannie “b-bakit?”

“nakokonsensya na ko” I looked away
2014-07-19 18:44
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • Контрольная работа
  • © sanaalar.ru
    Образовательные документы для студентов.